Thursday, November 8, 2012

PSST, SONGWRITER, TAMA KA BANG MAGTUGMA? - RHYMING IN FILIPINO SONGS

     Since this is my first blog in a long time, I felt it only proper to make it special. How? I wrote it in FILIPINO, okay Tagalog-English, kasi nasimulan ko na sa Ingles e.

      Bunsod na rin ito ng pakikipag-usap ko sa guro ko sa Panitikang Filipino sa Southridge Night School , si Ginoong Michael Coroza, ay Doctor Mike Coroza pala, may PhD. na siya e hehe. Si Dr. Coroza ay isang premyadong makata (Palanca Awardee, Southeast Asia Writers Awardee) at siyang humubog sa akin bilang makata at manunulat.

 Anyway, sabi kasi nya, magsulat daw ako ng blog tungkol sa tamang pagtutugma dahil marami raw sa mga kantang naririnig natin ang may mali-maling pagtutugma o rhyming. Bilang masunuring estudyante, heto na at binabasa mo na ang pagiging kongkreto ng kanyang kahilingan.

Ang pagtutugma ng mga salita, o rhyming sa Ingles, ang isa (isa lang ha)sa mga literary device na ginagamit ng isang manunulat o ng songwriter para mas masarap pakinggan ang lyrics at magkaroon ng magandang daloy lalo na kapag nilapatan ng musika. Nakalulungkot isipin na maraming mga manunulat ng kanta (kahit pa iyong mga tinatawag natin na Professional) na hindi tamang magtugma. Kaya naman sana, pagkatapos mong basahin ang blog na ito ay maging maingat ka at maging mapagmanman din sa mga lyrics ng kanta.

Rekoleksyon lamang ito ng mga natutunan ko noon sa Panitikang Pilipino, kaya hindi lubos o kumpleto. Isa pa, hindi naman kasing istrikto ng sa pagsusulat ng tula ang pagsulat ng lyrics ng kanta, lalo pa kung ang pamantayan ngayon ang pag-uusapan . Ganunpaman, magiging kapaki-pakinabang pa rin itong gabay kapag nagsusulat ka na ng lyrics mo.

PAGTUTUGMA NG MGA PATINIG (VOWELS)

                Sa mga kanta ngayon, ang mga dulong salita ng bawat linya ang kadalasang pinagtutugma. Pero ang tanong, tama nga ba?

                Hindi ako gagamit ng isang kantang pamilyar, para na rin sa kapakanan ng sumulat o ng kumanta. Pero tingnan mo itong halimbawang inimbento ko lang:

                      Mahal na mahal kita
                      Ipaglalaban kita sinta
                      Kaya wag kang mawawala
                      Maniwala ka sana

                     Wala kang katulad sa buong mundo
                     Walang iba, ito ay totoo
                     Ikaw ang laman ng aking puso
                     Maniwala ka sana, giliw ko

Ang halimbawang lyrics na ito ay kalimitang maririnig mo sa mga kanta ngayon. Napansin mo ba ang mali? Pakibasa ulit.

Ganito na lang, ilista natin ang mga dulong salita para mas maging malinaw:

Kita                    Mundo
Sinta                  Totoo
Mawawala          Puso
Sana                  Ko

Sa unang tingin, parang wala namang problema, di ba? Pero bigkasin mo paulit-ulit ang mga salita, may mapapansin kang asiwa, o hindi tama. MAY MGA SALITANG HINDI TUMUTUGMA.

Alin-alin-alin ang naiba? Naalala ko lang ang linyang ito sa Batibot.

Anyway, hindi katugma ng mawawala ang sinta, kita at sana. Hindi rin katugma ng puso ang mundo, totoo, at ko.

Oo, kasi kahit pare-pareho sila ng huling patinig (vowel), hindi naman magkaTUNOG ang mga ito. Ang tugma ay nakasalalay sa pagkakapareho ng tunog ng huling pantig o syllable. Ang mga salitang  mawawala at puso ay may impit sa dulo, iyong tunog na may diin (impit nga ang tawag doon), para kang nadighay o nabilaukan. Hindi sila katulad ng mga salitang sinta, kita, at sana, o ng mundo, totoo, at ko, na may malumanay o maamong tunog.

Kaya ang simpleng panuntunan sa pagtutugma kapag sa patinig o vowel nagtatapos ang salita ng mga linya ay ito: pare-pareho ba silang malumanay o may impit? Ayan, simple pa lang iyan pero maraming mga songwriters ang hindi nakaaalam nito, kaya naman nagkakamali.

PAGTUTUGMA NG MGA KATINIG (CONSONANTS)

Sa mga kantang Filipino, nakatutuwang isipin na mas istrikto pa ang pagtutugma ng mga salitang nagtatapos sa katinig kumpara sa pagtutugma ng mga taludtod ng tulang may tugmaan. Ibig sabihin, sa mga kanta, kapag ang linya ay nagtatapos sa salitang “-in” ang dulo, lahat ng mga salitang itutugma ditto ay sa “-in” din magtatapos.

Halimbawa: iibigin, iisipin, uubusin, hahamakin. Eto pa: isip, panaginip, naiinip, nagsisikip.

Sa panulaang Filipino, magkakatugma ang mga salitang nagtatapos sa magkaparehong  patinig at sa mga sumusunod na katinig:

L, M, N, NG, R, W, Y                 B, K, D, G, P, S, T

Kaya kung tutuusin, kung alam lang ng mga songwriters, mas magiging maluwag at malaya ang kanilang pagtutugma kung gagamit at magtutugma lang sila ng mga salitang nagtatapos sa L, M, N, Ng, R, W, Y o sa B, K, D, G, P, S, T. Mas luluwag at mas dadami ang kanilang mga salitang pwedeng pagpilian.

                Example ulit para klaro, magkakatugma ang mga ito (huwag kang magugulat):
                
Dasal, asam, pasan, lamang, lahar, layaw, away

Eto rin: Dibdib, Sabik, Lubid, Pag-ibig, Isip, Kutis, Pilit

Subukan mo ito, sigurado akong mas lalawak ang iyong pagsusulat dahil mas marami kang salitang pwedeng pagpilian kapag nagtutugma.

Tuloy lang sa pagsusulat ng kanta!

May you be successful in your musical venture,

Robster Evangelista

P.S.
Get my Ebook THE SECRETS OF RADIO HIT SONGS AND 10 TIPS ON HOW YOU CAN USE THEM WHEN WRITING YOUR OWN SONGS for FREE!!! Just sign up on the upper left corner of this blog or below and you will receive an email with instructions on how you can download my FREE EBOOK.

SUBSCRIBE NOW TO GET FREE UPDATES ON SONGWRITING!

Get the Ebook
 "THE SECRETS OF RADIO HIT SONGS AND 10 TIPS ON HOW YOU CAN USE THEM WHEN WRITING YOUR OWN SONGS
for FREE!!!
Just sign up here

Name:
 
Email:
We respect your privacy
ListWire - Free Autoresponders
click here for your free autoresponder